FULL STATEMENT OF VICE PRESIDENT SARA DUTERTE JANUARY 13, 2025:
ISANG mapagpalang araw sa aking mga mahal na kababayan.Taos-puso akong bumabati sa lahat ng lumahok sa malawakang Peace Rally ngayong araw. Ito ay isang makapangyarihang pagpapakita ng pagkakaisa at pananampalataya na ang tanging hangad lamang ay kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Nagpapasalamat ako sa ating mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa inyong patuloy na pagsisikap na maghatid ng pagkakaunawaan at pagkakaisa sa ating mga kababayan. Sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin, kahirapan, at iba pang suliranin, ang isang mapayapa at nagkakaisang Pilipinas ay hindi kailanman matitinag, at paulit-ulit na aahon sa gitna ng hamon ng panahon.
Muli, sa aking mga kababayan, maraming salamat sa inyong malasakit sa bayan. Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!