27.7 C
Cagayan de Oro
Thursday, June 25, 2026
spot_imgspot_img

Vice President Sara Duterte declares 2028 presidential run

FOLLOWING IS A STATEMENT OF VICE PRESIDENT SARA DUTERTE ON FEBRUARY 18, 2026:

Mga kababayan, Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.

Proverbs 19 verse 21 states, โ€œMany are the plans in a person’s heart but it is the Lord’s purpose that prevailsโ€. It took me 47 years to understand that my life was never meant to be only mine. Unlike others, I may not have been born to chase happiness. For a long time, I questioned the weight of responsibility to my family, to my country, and to everyone who called on me.

Today, I have peacefully accepted that my life is unlike any other.

Sa unang mga buwan palang ng aming termino, nakita ko na ang kawalan ng katapatan ni Bongbong Marcos Jr., sa mga pangakong binitawan noong kampanya, pati na sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan. Dahil hindi ko kinayang maging bahagi ng 2025 National Budget na tadtad ng katiwalian, pinili kong umalis sa gabinete kahit alam ko na mula pa noong 2023 na ang magiging kapalit nito ay ang aking impeachment.

Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin.

Patawad kung tinulungan kong mahalal si BBM bilang Pangulo ng Pilipinas. Patawad kung hanggang ngayon ay marami pa ring Pilipino ang nalulunod sa baha ng dahil sa malawakang korapsyon. Patawad kung lantaran ang pang-aabuso sa ating mga institusyon para sa pansariling interes ng mga politiko. Patawad kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang nananatiling kapos ang kita ng bawat pamilya. Patawad kung wala man lang tayong tunay na seguridad sa pagkain. Patawad kung may mga nagkakasakit at binabawian bigla ng buhay dahil sa kakulangan ng maayos at epektibong healthcare system.

Patawad kung ang mga dinadaan ninyong kalsada, tulay, at proyektong pinondohan ng taong-bayan ay madalas masira. Patawad kung ang krimen, iligal na droga, at terorismo ay tila unti-unti nang lumalapit sa pintuan ng ating mga tahanan. At patawad kung wala tayong malinaw at tunay na independent foreign policy kung kayaโ€™t tila tayo’y naiipit sa tunggaliang namamagitan sa mga super powers tulad ng Tsina at Estados Unidos.

Madalas iniiwasan ng mga politiko ang maagang paghayag ng kanilang mga plano upang hindi sila maging target ng pag atake, ngunit matagal nang sinira ng administrasyong ito ang pangalan ko. Matagal na akong inaatake gamit ang buong makinarya ng kapangyarihanโ€” mula sa mga scripted na imbestigasyon na ibinalot sa katagang โ€˜in aid of legislationโ€™, sa pagkidnap ng aking ama, hanggang sa mga samuโ€™t-saring paratang na pilit inuulit-ulit hanggang magmukhang totoo.

Marahil ay matagal na rin akong hinatulan sa mata ng iilan. Hindi ako kailanman natakot sa pagsira nila ng pangalan ko. Ngunit may takot ako para sa ating mga anak. May takot ako para sa mga susunod na henerasyon. May takot ako para sa mga kababayan nating walang bahay sa ibang bansa, walang pangalawang pasaporte, walang ibang matatakbuhan kundi ang Pilipinasโ€”kahit itoโ€™y patuloy na nalulugmok sa kahirapan.

Naa ko’y kahadlok nga muabot ang adlaw nga dawaton na lang nato ang kapobrehon isip kapalaran, nga maanad na ta sa sayop, nga mawad-an na lang ta og paglaom. Ug labaw sa tanan, naa ko’y kahadlok nga muabot ang adlaw nga wala na tay Pilipinas nga ikahatag sa atong mga anak.

I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness. Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.

Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakitโ€” para sa Diyos, para sa Bayan, at para sa bawat Pamilyang Pilipino. Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines


https://drive.google.com/file/d/1lGmXwQIZ2pceyKWzSYgI7C0FFNTKz9_h/view?usp=drive_link

spot_imgspot_img

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Stay Connected

17,000FansLike
449FollowersFollow
1,170SubscribersSubscribe
spot_imgspot_img

Latest Articles

spot_imgspot_img