Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan!
Magandang araw sa inyong lahat.
Aking ipinapaabot ang aking taos-pusong pagbati sa bawat Pilipino ngayong Pasko.
Sa ating pagsariwa sa diwa ng Pasko, tayong lahat ay tinatawag upang maging mapagpatawad, bukas-palad, at mapagmahal sa ating kapwa.
Ang kapanganakan ni Hesus ay isang mensahe ng kapatawaran na sumasailalim sa walang kapantay na pag-ibig ng Diyos sa lahat. Gamitin natin ang kaniyang halimbawa bilang inspirasyon sa ating pakikipag-kapwa, laloโt higit sa ating pamilya at mga minamahal sa buhay.
Higit sa mga materyal na bagay na ating matatanggap ngayong Pasko, tayo ay inaanyayahang magbigay ng pag-unawa, respeto, at pagmamahal sa bawat isa, lalo na sa mga mahihirap at may karamdaman.
Ito ang tunay na diwa ng panahong ito, at ito ay isang paalaala sa ating lahat, hindi lamang ngayong buwan ng Disyembre, kundi sa lahat ng araw.
Muli, ipinapaabot ko ang aking mainit na pagbati sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.
Malipayong Pasko ug Mabungahong Bag-ong Tuig kaninyong tanan!
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines