MADAYAW ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Isang taos-pusong pagbati sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo para sa inyong pagdiriwang ng isang daan at labing-isang taong anibersaryo.
Nais kong ipaabot ang aking pagbati at pasasalamat kay Ka Eduardo V. Manalo sa kanyang kahanga-hangang pamumuno at sa kadalisayan ng kanyang puso sa pagsusulong ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, at pananampalataya sa gitna ng iba’t ibang prinsipyo at idolohiya sa lipunan.
Maraming salamat sa ating mga kapatid sa katatagan ng inyong paniniwala sa Diyos at pagmamahal sa ating bansa. Maraming salamat at lagi ninyong ipinagdarasal ang kaayusan, kapayapaan, at kapakanan ng Pilipinas.
Nakikiisa kami sa inyong pagdiriwang ng anibersaryo at nagdarasal na lalo pang tumibay ang inyong pananampalataya at pananalig sa Diyos at sa pangako nyang kaligtasan para sa lahat na kanyang mga anak.
Patuloy ninyong isabuhay ang pagmamahal at kadakilaan ng Diyos na syang nagbibigay lakas sa atin upang manindigan para sa katotohanan at isulong ang pamumuhay na naaayon sa kanyang banal na salita.
Maligayang Anibersaryo sa inyong lahat!
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan at pamilyang Pilipino.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines




