FOLLOWING IS A STATEMENT OF VICE PRESIDENT SARA DUTERTE DATED MARCH 4, 2026:
Mga kababayan,
Nakita na natin kung paano umasa ang kaso sa International Criminal Court laban kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga binili o gawa-gawang salaysay ng mga testigo ni Antonio Trillanes, tulad nina Arturo Lascañas at Edgar Matobato. Kung noon pa lamang ay kinuwestiyon at kinasuhan ang mga kasinungalingang ito, hindi sana nagamit sa ICC ang mga ito laban sa Dating Pangulo.
Nakikita rin natin na tila inuulit na naman sa House of Representatives ang parehong taktika sa pamamagitan ng kanilang tinatawag na testigo na si Ramil Madriaga. Si Madriaga ay isang akusado sa kasong kidnapping na nagpanggap na campaign supporter at mula roon ay biglang lumitaw bilang testigo kuno sa impeachment laban sa akin.
Dahil dito, ngayong araw ay naghain ako ng kasong perjury laban kay Ramil Madriaga upang tuluyang mapanagot siya sa kanyang mga kasinungalingan. Hindi maaaring hayaang gamitin ang mga imbentong kwento upang linlangin ang publiko. Ang aking abogado na si Atty Paolo Panelo ang sasagot sa mga tanong ng media tungkol sa kasong ito.
Salamat.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines




