Mainit na sinuportahan ng mga kababayan natin sa El Salvador City, Misamis Oriental sina Senator Bong Go, kasama ang mga Duterte Senatorial Candidates ngayong Lunes, April 14, 2025.
Inendorso ni Mr. Malasakit ang mga kapwa niya PDP Laban Senatorial Candidates o DuterTEN: Atty. Jimmy Bondoc, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Raul Lambino, Cong. Rodante Marcoleta, Doc Marites Dr. Richard Mata, Pastor Apollo Quiboloy, Atty. Vic Rodriguez, at Philip Salvador.

Siniguro ni Senator Bong Go na kung muli siyang mabibigyan ng pagkakataon na maipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan ay ipaglalaban niya ang mga inisyatiba, proyekto, at programa na makakatulong sa mamamayan. Para sa kanya, ang serbisyo ay dapat walang pinipili basta para sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino.