NUMBER one ang edukasyon kay Ate Lani kaya mahalaga ang naipasa nating ETEEAP Act na nagbibigay ng pagkakataon para sa ating mga kababayan, lalo na ang mga working professionals na, upang makapagtapos ng kolehiyo.
Isinasaalang-alang nito ang relevant work experience para gawaran sila ng nararapat na academic degree.
Bilang produkto ng ETEEAP, minabuti ni Ate Lani na maging isa sa principal authors ng batas na ito.
Masaya po tayong makapagbukas ng oportunidad para sa ating mga kababayan para maisulong ang kanilang edukasyon o di kaya ang kanilang propesyonal na career.




