Personal na nag-abot ng tulong si Senator Kuya Bong Go sa 348 pamilyang biktima ng Bagyong Kristine sa Iligan City, Misamis Oriental. Isinagawa ang aktibidad sa Blue Gym ng Barangay Luinab ngayong Lunes, June 16, 2025.
Katuwang si Mayor Frederick Siao at ng iba pang local officials, namahagi si Senator Bong Go ng food packs, snacks, shirts, at basketball o volleyball sa mga benepisyaryo. May ilan ding nakatanggap ng bisikleta, celphone, relo, at sapatos mula sa senador.

Nakatanggap din ng tulong ang mga apektadong residente mula sa national government, sa pamamagitan ng programang isinulong ni Senator Bong Go, upang kanilang magamit sa muling pagbangon.
Patuloy na isinusulong ni Senator Bong Go ang pagpasa sa Senate Bill No. 188 o pag-establish ng Department of Disaster Resilience (DDR) at ang Senate Bill No. 192 o Rental Housing Subsidy Program na makakatulong sa mga pamilyang biktima ng sakuna na nangangailangan ng maayos at abot-kayang pabahay.
Sa abot ng kanyang makakaya, patuloy ang pagseserbisyo ni Mr. Malasakit Senator Bong Go dahil bisyo niya ang magserbisyo!




