STATEMENT OF SENATORIAL CANDIDATE AND FORMER SEN. FRANCIS “KIKO” PANGILINAN
“Salamat kaayo, Cong. Yevgeny “Bambi” Beja Emano ng 2nd District, Sangguniang Panlalawigan, at Sangguniang Bayan ng Tagoloan, sa mainit na pagtanggap sa Misamis Oriental!
Ibinahagi natin ang Sagip Saka Act—isang konkretong hakbang para suportahan ang ating mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbili ng mga lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno mula sa ating food producers. Sa ganitong paraan, masisiguro ang patas na kita para sa kanila at mas abot-kayang pagkain para sa lahat.
Habang patuloy ang industriyalisasyon ng probinsya, mahalagang tiyakin na ang kaunlaran ay kasama ang ating mga magsasaka, mangingisda, at katutubong komunidad—upang mapanatili ang balanseng pag-unlad na may malasakit sa kalikasan at lokal na hanapbuhay.”




