23.8 C
Cagayan de Oro
Monday, June 29, 2026
spot_imgspot_img

Querubin to institutionalize mandatory ROTC once elected

ANG Medal of Valor awardee at retiradong opisyal ng Philippine Marine Corps na si Ariel Querubin ay nagbigay ng matibay na posisyon hinggil sa pangangailangan ng mabuting pamamahala atdisiplinadong pwersa ng segurídad bilang mga pangunahíng hakbang laban sa insurhensiya, terrorista, krimen at sa korupsyon.

Bilang isang sundalo, ipinapakita ni Querubin ang kanyang kasanayan sa maa isvu ng seguridad sa lokal at sa nasyonal.

Ngayon, siya ay bumisita sa Cagayan de Oro.

Sa kanyang talumpati sa programa, ipinahayag ni Querubin ang kanyang pag-aalala para sa kalagayan ng bansa – ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at ang hindi sapat na suporta sa ating mga magsasaka, mangingisda at sa mga manggagawa.

“Hindi ko matis ang nangyayari sa mga kababayan natin ngayon. Kapag nakita moang isang bahay na inaanay, titignan niyo lang ba? Syempre hindi, papasok kayo sabahay na yan at aayusin yan,” sabi ni Querubin.

Pinakakilala sa kanyang kabayanihan sa Lanao del Norte noong taong 2000, ipinagkalooban si Querubin ng pinakamataas na parangal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas – ang Medalya ng Kagitingan – para sa pangunguna sa isang operasyong militar kasama ang 117 Philippine Marines laban sa 300 MILF na mga mandirigma.

Nakalaban na niya ang lahat ng mga armadong grupo sa Pilipinas at nakatanggap ng 49 na medalya at parangal sa digmaan – na nagbigay sa kanya ng titulo bilang pinakapinarangalang sundalo sa kasaysayan ng bansa.

Ang kanyang kahanga-hangang military at propesyonal na karera ay maaring isalaysay sa iba’t ibang mga parangal na ibinigay sa kanya tulad ng: Medalya ng Kagitingan, Distinguished Conduct Star, 2 Distinguished Service Stars, 7 Gold Cross Medals, 2 Gawad sa Kaunlaran, 2 Bronze Cross Medals, 12 Military Merit Medals, isang Parachutist Badge, Tawid Award, Cavalier Award para sa Naval Operations at Saranay Award (ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Lalawigan ng La Union sa kanyang mga natatanging nasasakupan).

Muling tatakbo si Querubin para sa Senado sa taong 2025.

spot_imgspot_img

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Stay Connected

17,000FansLike
449FollowersFollow
1,170SubscribersSubscribe
spot_imgspot_img

Latest Articles

spot_imgspot_img