29.4 C
Cagayan de Oro
Wednesday, July 1, 2026
spot_imgspot_img

₱880K HALAGANG PINAGHIHINALAANG SMUGGLED NA SIGARILYO, NAKUMPISKA A CHECKPOINT SA LANAO DEL NORTE

Linamon, Lanao del Norte — Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang ₱880,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang checkpoint operation ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Lanao del Norte Police Provincial Offic, madaling araw ng Mayo 14, 2026 sa Brgy. Samburon, Linamon, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga sangkot na sina alias “Johayver” at “Oma” kapwa residente ng Poblacion, Linamon.

Katuwang ang MARPSTA, PIU-LDN PPO, 1005th RMFB 10, at Linamon Municipal Police Station, pinahinto ng mga awtoridad ang dalawang Bajaj Bao-Bao na may kargang mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes na nakalagay sa likurang bahagi ng mga sasakyan. Nang hingan ng kaukulang dokumento, nabigo umano ang dalawang driver na magpakita ng legal na papeles para sa mga kargamento.

Sa isinagawang inspeksyon, nakumpiska ang kabuuang 22 master cases o katumbas ng 1,100 reams ng Modern cigarettes na may tinatayang market value na ₱880,000.

Dinala ang mga nakumpiskang sigarilyo at mga sasakyan sa kustodiya ng 1st PMFC habang hinihintay ang turnover nito sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon. Samantala, dinala rin sa Linamon MPS ang mga driver para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.

#pro10#PCADGTagapagUgnay

###

spot_imgspot_img

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Stay Connected

17,000FansLike
449FollowersFollow
1,170SubscribersSubscribe
spot_imgspot_img

Latest Articles

spot_imgspot_img