Go hits irresponsible media accusations

BUSINESS
March 25, 2020

SHARE

SENATOR BONG GO, in a message yesterday, lashed out at some print media outfits for coming out with a story that criticized his visit to Butuan City last March 14. The news report, he said, was very irresponsible. 
    
 “Sa aking pagbisita po sa Butuan City noong March 14, nais ko pong klaruhin muli ang mga pangyayari: 
    
- Totoo na dumaan ako sa isang Evacuation Center para dalawin ang mga nasunugan, magbigay ng tulong, pakinggan ang kanilang mga hinaing, maghanap ng solusyon sa kanilang pang araw-araw na mga problema, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati. 
    
- WALANG MASS GATHERING NA SADYANG INORGANISA. Evacuation Center po ang pinuntahan ko. Doon na po sila pansamantalang nakatira bago pa ako dumating. Hindi ko sila sinadya na itipon sa lugar na iyon. 
    
- Sa kooperasyon ng mga pulis at pati na rin ng mga evacuees, ipinaliwanag ko na kahit gusto ko man sila yakapin, kamayan, kamustahin, at lapitan, sinigurado ko na kaming galing Maynila ay NAKA-DISTANSYA sa mga taga Butuan City para rin po sa kaligtasan ng lahat kahit na wala naman kaming sakit. May barriers pa nga pong inilagay. 
    
- Sinigurado ko po na ang tulong at serbisyong ibinigay namin ay sa pamamaraan na HINDI MAKAKASAMA sa kanilang kalusugan at mananatiling ligtas sila sa anumang karamdaman. 
    
- Pinayuhan ko rin ang local officials at national agencies na MADALIIN ANG PAGBIGAY NG TULONG lalo na ng tirahan sa mga nawalan ng bahay dahil paano naman po sila susunod sa “Social Distancing measures” kung wala naman silang ibang matitirhan kundi doon sa evacuation center na kumpol-kumpol sila. 
    
Para sa inyong kaalaman, March 9 nangyari ang sunog sa Butuan City. 444 na pamilya o 2,292 na indibidwal ang apektado at humingi ng tulong sa atin. March 12, nagpa-test kami ni Pangulong Duterte para malaman kung infected kami ng COVID-19. March 13 lumabas ang resulta at sinabing negatibo kami sa sakit at pwede kaming magserbisyo sa publiko. March 15 naman magiging epektibo ang “Community Quarantine” sa Metro Manila base sa inanunsyo ng Pangulo noong March 12 sa kanyang presscon. 
    
Dahil dito, nagdesisyon ako na pumuntang Butuan City ng March 14 — isang araw matapos sinabing negatibo ako sa COVID-19, at isang araw bago ipagbawal ang paglipad mula Maynila — para magpadala ng sarili kong tulong sa mga nasunugan. 
    
Hindi ko matiis na hindi tumulong sa kapwa. Ipinangako ko ito sa taumbayan na kahit saan man, basta kaya ng oras at katawan ko, pupuntahan ko kayo. Hindi ko po makakaya na ipagpaliban o ipagkait sa kanila ang tulong na kanilang hinihingi mula sa atin. 
    
Nagpapasalamat po ako sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno na sumaklolo sa hinaing ng mga biktima ng sunog at pati na rin sa mga LGUs na nagbigay rin ng tulong. Napaka-importante po ang pagtutulungan ng national government at mga LGUs sa panahon ng sakuna. Isa po ito sa aking prayoridad bilang isang Senador at public servant. 
    
Nagpapasalamat rin ako sa mga artista na sumama sa akin at kusang nagsakripisyo para pasayahin ang ating mga kababayang nangangailangan. Sila Robin Padilla, Philip Salvador, at Victor Neri ay tumugon sa tawag dahil alam nila na sa kanilang sariling paraan ay nabigyan nila ng saya at pag-asa ang kanilang kapwa. Si Robin, tumakas pa ng bahay para iparamdam ang kanyang pagmamalasakit. 
    
Sa mga bumabatikos, tumulong nalang sana kayo. Hindi po nakakain ang inyong batikos. Hindi rin iyan nakakatulong sa mga naghihirap. Dumadagdag rin lang kayo sa problema. Puro dada, wala namang nagawa. 
    
Wala po kaming ibang interes kundi tumulong at alagaan ang kapakanan ng bawat Pilipino. Hindi po kami takot mamatay. As always, I will continue to serve and I will die serving the Filipino people.
    
Now more than ever, we, as elected officials should do everything we can to be of service to the Filipino people. The government as a whole should still do its job in a manner that will not put the health of others at risk. Hindi pwedeng ipagpaliban ang tulong sa kapwa Pilipino, tuloy-tuloy dapat ang serbisyo.

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY



Subscribe Now!

Receive email updates from Business Week.